Thursday, February 26, 2009

... at ngayung Huwebes...

Nakalipas na ang isang araw, isang gabi. May nagbago ba?

Kung tutuusin meron kahit papaano... nagsimula na ulit ako mag-apply sa iba't ibang kumpanya, naghahanap na muli ng trabaho. Ayaw ko kasi nababakante ng oras... gusto ko rin ibalik ang tiwala ko sa aking sarili, sa aking kakayahan... dahil masasayang lang kung hindi ko ito magagamit, lahat ng mga pinag-aralan ko nung sa kolehiyo, sa USTe... lahat din na pinag-aralan ko sa unang academiya ng kompyuter arts... mawawla lang ng silbe ang lahat nito...

Nakapag-desisyon na ako't kailangan ko pang magpraktis na aking sining... maslalo na ang cartooning, ang aking tunay na forte, bago pa ako lumipat sa photography at 3d... ito ang abilidad ko na nagbigay ngiti sa aking mga kaibigan at mga nakasalamuha sa pang-araw-araw.

Bukas na bukas, magsisimula na ulit ako sa pagdrowing... para makatiyak na hindi ako kakalawangin.

Anyways, gusto ko rin idagdag na mahirap talagang na sa bahay ka lang... dahil mabagal ang oras. Gustong gusto ko talagang may ginagawa para kahit papaano ako'y nalilibang at nagproprogress... hanggang sa biyernes aking mga tagasubaybay~

No comments: