Thursday, February 26, 2009

Kahapon... nung Ash Wednesday...

Nakalimutan ko pala isama ang kaganapan kahapon... ang Ash Wesnesday sa taong ito.

Hahaha, ngayun lang muli ako nagtype ng ganito, na taglish o kaya tagalog na tagalog. Anyhow, kahapon nung mag-gagabi na, niyaya ako ni Ma at ni Lola magsimba dahil sa pagdiriwang ng Ash Wednesday.

Sa mga nakakarami, minsa'y ndi nila alam kung bakit sila nagsisimba at bakit ka may krus sa iyong noo. Nung medyo may gatas pa ako sa labi... ganun din ako... ni minsa'y hindi ko alam para san ang krus na iyon... Para akung gago dahil Atenean pa naman ako... tapus ndi ko alam para saan ang krus na abo na nakatatak sa iyong noo. Anyways, ang krus na iyon ay simbolo ng repentance sa lahat ng iyong mga kasalanan.

Tama, yun ang rason kung bakit ako naroon nung gabi na iyon, ndi ko pinagkakaila na nagkasala ako ng marami... isa na run ang pagnood ng Porn! PORN! Mga malalaswang palabas na aking napapanood sa aking laptop mula sa internet. Isa na rin ang pagiging stubborn ko... na ang gusto ko lang ang nasusunod. Yun ang mga typical na kasalanan ng lalake...

Alam ko'y nagsisisi ako sa mga iyon... dahil kahit ilang beses ko ng iwasan ay bumabalik parin ako. Kahit ilang beses akong magconfess, bumabalik at nauulit muli ang mga sala ko. Kaya't kahapon hinarap ko ulit ang panginoon... at nagdamdam at hinarap na muli sa kanya ang mga aking sala na aking pinagsisiian.

Siguro hanggang ngayun mayroon parin akong doubts... sa aking kakayahaan... at abilidad... kahit na sabihin ng marami na magaling ako o kaya walang katapusan ang papuri. Siguro ang kawalan ng tiwala sa sarili ay epekto rin ng aking pagkawala ng tiwala sa Diyos nung mga nakaraan na taon...

Haaay~ buhay... medyo madrama ba?

Sabagay sabi nga ng marami na sa huli ang pagsisisi... ngayun ko lang talaga nailabas ang aking saloobin... sana nga ako'y magbago... magkaroon ng tiwala sa sarili, at sa aking Diyos.

1 comment:

Tiradauno said...
This comment has been removed by a blog administrator.